Ano ang OEO?
Kunin ang Aming Tulong sa Mga Tanong sa K-12 Public Education
Online – Hinihikayat namin kayo na gamitin ang aming Proseso ng Online na Pagpapatala. Kailangan ninyong lumikha ng account na may pangalan ninyo at tamang email address. Matapos ninyong lumikha ng account at kumpletuhin ang online intake process, may isang tao na kokontak sa inyo sa lalong madaling panahon na magbibigay ng impormasyon o magtakda ng pakikipagtipan. Ang aming online intake ay magagamit sa lahat ng oras, ngunit may magtitingin ulit sa panahon ng normal na oras ng kalakal.
Mga Oras ng Trabaho
Lunes 8:30 a.m. – 5:00 p.m.
Martes 8:30 a.m. – 5:00 p.m.
Miyerkules 8:30 a.m. – 5:00 p.m.
Huwebes 8:30 a.m. – 5:00 p.m.
Biyernes 8:30 a.m. – 5:00 p.m.
Sa Telepono – Kung mas nais na makausap ang isang tao ng personal, o kailangan ng tulong sa pagkumpleto ng online intake process, mangyaring tawagan kami sa toll free sa 1-866-297-2597 sa panahon ng aming oras ng kalakal sa. Ang aming tauhan ay makakagamit ng pagsasalin sa telepono sa mahigit 150 na mga wika.
Sa Fax o Sulat – Magdownload ng pormas ng Request for Ombuds Services at isumite ang nakumpletong pormas sa pamamagitan ng fax, sulat o email (ang impormasyong pangkontak ay nakasulat sa mga pormas) sa OEO. Fax: 1-844-886-5196.