Online – Hinihikayat namin kayo na gamitin ang aming Proseso ng Online na Pagpapatala. Kailangan ninyong lumikha ng account na may pangalan ninyo at tamang email address. Matapos ninyong lumikha ng account at kumpletuhin ang online intake process, may isang tao na kokontak sa inyo sa lalong madaling panahon na magbibigay ng impormasyon o magtakda ng pakikipagtipan. Ang aming online intake ay magagamit sa lahat ng oras, ngunit may magtitingin ulit sa panahon ng normal na oras ng kalakal.
Mga Oras ng Trabaho
Lunes 8:30 a.m. - 5:00 p.m.
Martes 8:30 a.m. - 5:00 p.m.
Miyerkules 8:30 a.m. - 5:00 p.m.
Huwebes 8:30 a.m. - 5:00 p.m.
Biyernes 8:30 a.m. - 5:00 p.m.
Sa Telepono – Kung mas nais na makausap ang isang tao ng personal, o kailangan ng tulong sa pagkumpleto ng online intake process, mangyaring tawagan kami sa toll free sa 1-866-297-2597 sa panahon ng aming oras ng kalakal sa. Ang aming tauhan ay makakagamit ng pagsasalin sa telepono sa mahigit 150 na mga wika.
Sa Fax o Sulat – Magdownload ng pormas ng Request for Ombuds Services at isumite ang nakumpletong pormas sa pamamagitan ng fax, sulat o email (ang impormasyong pangkontak ay nakasulat sa mga pormas) sa OEO. Fax: 1-844-886-5196.
Kontakin kami tungkol sa
- Isang tanong o alalahanin na nakakaapekto sa isang pampublikong K-12 na estudyante sa Washington
- Isang hiling para sa mga kasanayan o pakikipag-ugnayan-sa-labas sa inyong komunidad, eskuwelahan o lugar na pinagtratrabahuhan
Mangyaring makipag-ugnay sa amin online, o sa pamamagitan ng telepono, fax, o mail. Mangyaring tandaan na ang tanggapan ay may isang limitadong kawani at pagpopondo at inuuna ang gawain nito alinsunod sa pamantayan ng madiskarteng plano / Estratehikong Plano
Impormal na Paglutas ng Alitan
Tinutulungan ng Office of the Education Ombuds (OEO, Tanggapan ng Ombuds sa Edukasyon) ang sinumang may mga tanong o alalahanin tungkol sa mga paaralan ng K-12 sa Washington. Makapagbibigay kami sa iyo ng impormasyon, mga pagsangguni, mga toolkit, at iba pang mapagkukunan.
Ang lehislatibong misyon ng OEO ay bawasan ang mga puwang sa oportunidad. Nakatuon ang aming mga priyoridad sa estratehikong plano sa katarungan sa edukasyon, lalo na sa mga komunidad na pinakanaaapektuhan ng COVID-19. Tinutuon namin ang aming mga limitadong mapagkukunan sa paglutas ng alitan, gaya ng impormal na pamamagitan at pagtuturo, sa mga mag-aaral sa K-12 na:
- Huminto sa pag-aaral, kasama ang mga mag-aaral na may kapansanan na nakakatanggap ng mga bahagyang araw ng pag-aaral
- Hindi puti, Itim, o katutubo
- Nakakaranas ng kawalan ng tirahan
- Inaalagaan ng kamag-anak o nasa foster na pangangalaga
- Naging bahagi ng katarungang pangkabataan o mga sistema ng rehabilitasyong pangkabataan
- Imigrante, refugee, asylee, o migrante, o mga mag-aaral o pamilya na hindi Ingles ang (mga) pangunahing wika, o
- Nakakatanggap ng mga suporta mula sa Wraparound with Intensive Services (WISe) o Children’s Long Term Inpatient Programs (CLIP)
Tulong sa inyong tanong o alalahanin
Kontakin kami online, sa telepono, fax o sulat.
Mangyaring tandaan na ang OEO ay may limitadong tauhan at pagpopondo at inuuna ang mga trabaho ayon sa sariling pamantayan sa tinatantiyang plano.
- Online – Hinihikayat namin kayo na gamitin ang aming Online Intake Process. Kailangan ninyong lumikha ng account na may pangalan ninyo at tamang email address. Matapos ninyong lumikha ng account at kumpletuhin ang online intake process, may isang tao na kokontak sa inyo sa lalong madaling panahon na magbibigay ng impormasyon o magtakda ng pakikipagtipan. Ang aming online intake ay magagamit sa lahat ng oras, ngunit may magtitingin ulit sa panahon ng normal na oras ng kalakal.
- Sa Telepono – Kung mas nais na makausap ang isang tao ng personal, o kailangan ng tulong sa pagkumpleto ng online intake process, mangyaring tawagan kami sa toll free sa 1-866-297-2597 sa panahon ng aming oras ng kalakal sa. Ang aming tauhan ay makakagamit ng pagsasalin sa telepono sa mahigit 150 na mga wika.
- Sa Fax o Sulat – Magdownload ng pormas ng Request for Ombuds Services(insert link to English Request Ombuds services) at isumite ang nakumpletong pormas sa pamamagitan ng fax, sulat o email (ang impormasyong pangkontak ay nakasulat sa mga pormas) sa OEO.
Kung kayo ay magkasamang nagtratrabaho sa isang Ombuds, at gustong bigyan ng pahintulot ang OEO na direktang mapag-usapan ang sitwasyon ng estudyante sa eskuwelahan at tauhan ng distrito, kung naaangkop, mangyaring magdownload, kumpletuhin at ibalik ang pormas ng Permission to Contact the School.
Kung kayo ay magkasamang nagtratrabaho sa isang Ombuds, maaaring kailangan naming suriin ang mga talaan ng inyong estudyante para maintindihan ng mabuti ang mga alalahanin. Kung kailangan naming gawin ito, hihilingin namin sa inyo na bigyan kami ng pahintulot para mailabas ng eskuwelahan ang mga talaan. Gagamitin namin ang pormas na ito para mailabas ang mga hiniling na talaan: Permission to Release Student Records.
Maaari ninyong isumite ang mga pormas sa pamamagitan ng Online Intake Process, o sa pamamagitan ng fax, sulat o email.
Maaari rin naming sanayin ang mga tagapagturo at mga tagapagtaguyod ng komunidad sa pagsuporta sa mga estudyante at pagresolba sa mga kaguluhan.
Mangyaring mag-email sa oeoinfo@gov.wa.gov o tumawag sa 1-866-297-2597 para sa tulong na ito. Isa sa aming miyembro ng pangkat ang kadalasang sasagot sa tanong sa pamamagitan ng email o isang maikling tawag. Ang aming opisina ay sama-sama, impormal, kompidensyal, at walang kinikilingan na tutulong sa mga pamilya at mga eskuwelahan na maresolba ang mga kaguluhan.
Ano ang kailangan ninyong malaman tungkol sa amin?
Ang maikling dokumentong ito ay nagpapaliwanag kung paano kami ay Nakikipagtulungan Sa Mga Pamilya. Hinihikayat namin kayo na basahin ito upang maintindihan ang ano ang kaya at hindi namin kayang gawin para makatulong. Ang mga dokumento ay nagpapaliwanag kung paano namin masusuportahan ang mga tagapagturo at mga propesyunal sa komunidad.
- Para sa mga tagapagturo (may kasamang mga halimbawa): Working With Educators – With Examples
- Para sa mga tagapagturo (maikling bersyon): Working With Educators – Short Version
- Para sa mga kaugnay ng komunidad: Working With Community Partners