Mga Suporta para sa mga Estudyante na may Kapansanan

Mga Suporta para sa Mag-aaral na may Kapansanan

Pumapasok sa paaralan ang mga mag-aaral na may kapansanan sa bawat komunidad.   Sa buong buhay natin, humigit-kumulang 20% sa atin, o 1 sa bawat 5, ang magkakaroon ng anumang uri ng kapansanan.

Ang lahat ng mag-aaral na may kapansanan ay may karapatang magkaroon ng patas na access sa edukasyon at hindi makaranas ng diskriminasyon. Depende sa katangian ng kapansanan ng isang mag-aaral at kung paano ito nakakaapekto sa kanya sa paaralan, maaaring kailanganin ng paaralan na magbigay ng mga akomodasyon, pagbabago, espesyal na paraan ng pagtuturo, o iba pang suporta upang magkaroon ng patas na access at makalahok sa paaralan ang estudyante.

  • Ang mga mag-aaral na may kapansanan at nangangailangan ng anumang uri ng espesyal na paraan ng pagtuturo ay maaaring makatanggap ng “Special Education (Espesyal na Edukasyon)” sa pamamagitan ng Individualized Education Program (IEP, Programa sa Edukasyon na Akma sa Indibiduwal).
  • Ang mga mag-aaral na may kapansanan at nangangailangan ng akomodasyon ay maaaring may “Section 504 Plan (Plano sa Seksiyon 504).” 

Kung sa tingin mo ay posibleng may kapansanan ang isang mag-aaral at kailangan niya ng akomodasyon o specialized na pagtuturo, maaari mong hilingin na gumawa ng ebalwasyon ang distrito ng paaralan.

Alamin pa ang tungkol sa mga IEP, Section 504 plan, ebalwasyon, at proteksiyon para sa mga mag-aaral na may kapansanan dito:

Find additional resources here:

Supports at School

Disability Identity

Accessibility