Noong 2006, ang Washington State Legislature ay nagpasa ng House Bill 3127 para maitatag ang Office of the Education Ombuds (OEO) para mabawasan ang awang sa pagkakataon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga pamilya, estudyante, tagapagturo, at mga komunidad sa pag-unawa sa pampublikong K-12 na sistema ng edukasyon at pagresolba sa mga alalahanin na magkakasama-sama. Ang lehislatura ang naglagay sa amin sa loob ng Opisina ng Gobernador para masiguro ang aming kalayaan mula sa sistema ng pampublikong edukasyon.
Naniniwala ang OEO sa halaga ng mga ginagawa ng ombuds: walang kinikilingan, kalayaan, pagiging kompidensyal, at pagiging impormal. Pinagsasama-sama namin ang mga eskuwelahan, pamilya, at komunidad para sa isang sama-samang paglulutas-sa-problema. Wala kaming kapangyarihan na imbestigahan ang mga eskuwelahan o distrito. Hindi kami gumagawa ng mga pagtutuklas o desisyon at hindi kami nagpapatupad ng anumang mga batas o tuntunin.
Limitado ang aming pinagkukunan at inuuna ang mga direktang suporta mula sa Ombuds sa mga isyu na ayon sa aming tinatantiyang plano at kung saan maaari kaming magkaroon ng positibong epekto bilang magkakasamang mga tagalutas-ng-problema sa karanasan ng estudyante. Ang OEO ay nagtratrabaho sa buong bansa na may konting tauhan na hindi bababa sa 7 na nagtratrabaho ng buong-oras na mga empleyado.
Kami ay tumutulong na maisulong ang katarungan sa edukasyon sa tatlong mga paraan:
- Magbigay ng impormasyon at impormal, walang kinikilingan, at magkakasamang paglutas sa gulo sa mga pamilya, tagapagturo, at mga propesyunal sa komunidad para masuportahan ang mga estudyante sa mga pampublikong eskuwelahan ng K-12 sa estado ng Washington.
- Pag-alok ng libreng mga kasanayan at pakikipag-ugnayan-sa-labas sa maraming mga paksa para maisulong ang katarungan sa edukasyon sa pampublikong edukasyon ng K-12.
- Pakikipag-ugnayan sa mga gumagawa ng batas para mapag-usapan ang mga awang sa pagkakataon.