Pagpaplano ng Pagbabalik-eskwela para sa Malayuang Pag-aaral

Pagpaplano ng Pagbabalik-eskwela para sa Malayuang Pag-aaral

Ginawa ang listahang ito para sama-samang makapagplano ang mga pamilya at team ng paaralan. Hindi pa kumpleto at nakahanda ang mga bagay na ito sa tahanan ng karamihan ng mga pamilya, ngunit handa na dapat ang mga paaralan na ibahagi ang ilan sa mga bagay na ito at mayroon dapat ang mga ito ng mga ideya para sa iba pang masasanggunian sa komunidad.

Mga Pangunahing Kailangan

  • Ligtas na Lugar para sa Pag-aaral
    • Komportableng mapupuw
    • Mesa
    • Wala masyadong abala
  • Mga pagkain sa araw ng pag-aaral: Almusal, tanghalian, at meryenda

Suporta ng Nakakatanda

  • Ihanda at bantayan ang mga pagkain habang nag-aaral
  • Ituloy ang iskedyul kada araw (simulan ang mga klase, gumawa ng sariling takdang gawain)
  • Ihanda ang device (tablet, computer, mga app)
  • Suporta sa live na malayuang pagtuturo, kung kinakailangan
  • Suporta habang gumagawa ng sariling takdang gawain
  • Pagsasanay para sa mga nakakatanda kung paano magbigay ng suporta sa pag-aaral at pag-uugali sa malayuang pag-aaral

MGA TALA

Mangangailangan ang mga estudyante ng iba't ibang laki ng suporta, at iba't iba rin ang laki ng suporta na maibibigay ng mga pamilya. Ano-anong suporta ang puwedeng ibigay nang malayuan ng mga guro at paaralan? Kailan kailangan ng personal na suporta ng nakakatanda? Kailan at saan makakakuha nito? Paano bubuuin ang iskedyul ng paaralan para umayon sa mga mapagkukunan at pangangailangan ng pamilya?

Mga Device sa Pag-aaral at Koneksyon sa Internet

  • Isang device para sa bawat estudyante
    • Mikropono (para sa pagsasalita) at speakers/headset (para sa pakikinig)
    • Camera (para makasali sa mga klaseng gumagamit ng video)
    • Keyboard, mouse, at iba pang pantulong na kagamitan
  • Mabilis na koneksyon sa internet
  • Mga app at program sa pag-aaral na inilalagay sa device
  • Pag-set up ng mga account at password
  • Pagsasanay para sa estudyante at pamilya kung paano gamitin ang bawat program
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng teknikal na suporta para sa paaralan o distrito

MGA TALA

Kung walang device o maayos na internet ang estudyante, mag-isip ng ibang paraan para regular na magawang makipag-ugnayan at magbigay ng mga materyal sa pag-aaral, halimbawa, sa pamamagitan ng telepono, pagbisita nang nakadistansya sa kapwa, pagkuha at paghahatid ng mga materyal, o pagpapadala sa pamamagitan ng koreo.
Maaari ding makapagbigay ang ilang distrito ng mga personal na serbisyo kung ligtas itong gawin para sa pamilya, estudyante, at mga kawani.

Iba Pang Gamit sa Pag-aaral

  • Ball pen, lapis, papel
  • Printer at mga ink cartridge (kung kinakailangang mag-print)
  • Mga art supply
  • Mga gamit para sa science project
  • Lugar para sa mga aktibidad at kagamitan sa Physical Education (PE)

Plano para sa Suporta para sa Indibidwal at Espesyal na Suporta

  • Magplano at magpulong para i-update ang IEP o Plano ayon sa Seksyon 504
  • Magplano para sa paghahatid ng mga materyal para sa Nag-aaral ng Wikang Ingles (ELL)
  • Magplano para sa paghahatid ng mga suporta ng Programa ng Tulong sa Pag-aaral (LAP) (suporta ng indibidwal o maliit na grupo para sa pag-aaral at/o pag-uugali)
  • Magplano para sa iba pang espesyal na suporta at suporta para sa indibidwal

MGA TALA

Magplano nang maaga kung nakakatanggap ang iyong anak ng mga suporta para sa: special education; iniangkop na tulong para sa indibidwal; nag-aaral ng Ingles; karagdagang tulong sa pagbasa, pagsulat, matematika, o pag-uugali; kawalan ng tirahan; at/o foster care. Maaari kang makapagsama ng pagbibigay ng mga personal na suporta sa plano kung ligtas itong gawin para sa iyo, iyong estudyante, at mga kawani ng paaralan.

Plano para sa Pakikipag-ugnayan

  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa punong-guro, counselor ng paaralan, at iba pang mahalagang tao
  • Magplano para sa regular na pangungumusta
    • Kumustahan ng guro at estudyante
    • Kumustahan ng guro at magulang/tagapag-alaga
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa matatawagang tagasalin at kawani na nagsasalita ng dalawang wika, kung kinakailangan
  • Magplano para sa pagbibigay ng paaralan ng nakasaling impormasyon (kabilang ang mga email, text, tagubilin para sa gawain sa paaralan), kung kinakailangan

Iskedyul Kada Araw at Linggo

  • Nakikitang iskedyul na ipapaskil sa pader o ref
  • Online na iskedyul (na ilalagay sa kalendaryo at magtatakda ng mga paalala)
  • Magplano para sa mga espesyal na suporta, gaya ng special education, mga serbisyo para sa Nag-aaral ng Ingles, atbp.

Mga Pampaengganyo at Panggantimpala para sa Pag-aaral

  • Mga personal na koneksyon/ugnayan
  • Mga plano para sa pagbuo ng koneksyon sa pagitan ng guro at estudyante
  • Mga oportunidad para sa pagkakaroon ng ugnayan sa mga kasamahan
  • Mga nakakaengganyo at makabuluhang leksyon at aktibidad
  • Mga opsyon para sa mga paboritong aktibidad o gantimpala para sa natapos na gawain

Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-iisip para sa Estudyante at Pamilya

  • Mga aktibidad para suportahan ang kalusugan ng pag-iisip at pangangatawan
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga kasalukuyang tagapagbigay ng mga serbisyo para sa kalusugan ng pag-iisip
  • Hanapin ang mga numero ng telepono ng Crisis Line para sa Kalusugan ng Pag-iisip ng bawat county: https://www.hca.wa.gov/health-care-services-supports/behavioral-health-recovery/mental-health-crisis-lines
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa counselor ng paaralan at mga serbisyo para sa kalusugan ng pag-iisip ng paaralan
  • Anumang tool para sa social-emotional learning na maibibigay ng paaralan o distrito

MGA TALA

Coronavirus Response: Kung nakakaranas ka ng labis na stress dahil sa COVID-19, tumawag sa 833-681-0211 para sa suporta at sanggunian. Bumisita sa webpage ng Washington State Coronavirus Response na naglalaman ng mga sanggunian para sa kalusugan ng pag-iisip at damdamin: