Pagpasok sa Eskuwelahan, Mga Hindi Pagpasok at Truancy

Pagpasok sa Eskuwelahan, Mga Hindi Pagpasok at Truancy 

Ang batas ng estado ng Washington, na tinatawag na “Becca Bill,” ay hinihingi na ang lahat ng kabataan sa pagitan ng mga edad 8 at 18 ay pumasok sa eskuwelahan ng regular. Ang hinihingi ng batas na ang mga magulang o legal na tagapangalaga ay masiguro na ang kanilang mga anak ay nasa eskuwelahan ng regular.  Ang mga estudyante ay maaaring nasa pampublikong eskuwelahan, pribadong eskuwelahan o eskuwela-sa-bahay. Hinihingi ng batas na ang mga estudyante ay nasa loob ng eskuwelahan, buong-oras, araw-araw, maliban kung may balidong dahilan. Kung lumiban ang estudyante na walang balidong excuse, ang estudyante ay maaaring ikunsidera na “bulakbol.” Kung ang estudyante ay nagbubulakbol ang eskuwelahan ay dapat na:

  • Mag-abiso sa pamilya;
  • Makipagkita at makipagtulungan sa pamilya at estudyante para malaman kung bakit, at
  • Sumubok ng ibang mga estratehiya para makatulong na mapabuti ang pagpasok ng estudyante.

Kung hindi ito gumana, ang estudyante at pamilya ay ire-refer sa isang  Community Truancy Board o sa korte. Kung hindi pumasok ng maraming beses ang estudyante, kahit na may balidong dahilan, hinihingi na ngayon ng batas na makipagkita at makipagtulungan sa pamilya para malaman kung bakit, at gumawa ng plano para matulungan ang estudyante na pumunta ng regular sa eskuwelahan.  Iyon ay dahil ang pagliliban sa eskuwelahan ng maraming beses o “chronic absenteeism” ay magiging mahirap para sa estudyante na panatilihin. Maaaring ito rin ay isang palatandaan hindi nakukuha ng estudyante ang mga suporta na kanilangan nila. Kung pinag-uusapin natin ang paliliban sa eskuwelahan, “ang maraming beses” ay maaaring maging “konti” – ang pagliliban na kahit na 2 araw bawat buwan ay mag-dagdag sa isang malaking epekto!

Kung isang malaking challenge ang pagpapapasok sa iyong anak sa eskuwelahan araw-araw, ang inyong eskuwelahan ay makakatulong na bawasan ang mga balakid at matulungan ang inyong anak na makapagsagawa ng bagong pag-uugali sa pagpasok araw-araw, buong araw, at sa tamang oras.  Tingnan ang mga FAQ ng OEO para malaman kung ano ang maaaring mangyari kung ipagpapatuloy ng estudyante ang pagliban, at mga ideya sa pagbabalik sa dati na may regular na pagpasok. Kung kinakailangan pa ninyo ng tulong sa paglutas sa mga problema ukol sa pagpasok, mangyaring tumawag!  Bisitahin ang aming website sa https://oeo.wa.gov/fil, o tumawag sa 1-866-297-2597.

Ano ang hinihingi ng batas mula sa mga Eskuwelahan?

  • abisuhan ang mga magulang samga patakaran sa pagpasok at kunin ang lagda upang ipakita na natanggap nila ang abiso
  • abisuhan ang mga magulang sa tuwing ang estudyante ay lumiban,
  • makipagkita sa mga magulang at estudyante para malaman kung bakit,
  • subukan ang ibang mga estratehiya para mapabuti ang pagpasok, at sa ibang mga kaso,
  • Isangguni ang estudyante at/ o magulang sa isang  Community Truancy Board o sa korte.

Ano ang kailangan ng batas mula sa mga Estudyante?

  • sa loob ng eskuwelahan
  • nasa tamang oras
  • araw-araw, maliban kung mayroong balidong dahilan